Thursday, December 22, 2011

World of Fun

"Nobody gonna love me better,

I'mma stick with you forever"
Yan ay isang linya ng kantang Stick with You ng Pussycat Dolls..
Theme song namin yan ng first syota ko.



Transferee ako sa school nila, 2nd year high school,

Baguhan ako syempre, kaya tahimik ako.

Ito namang adviser namin, first day of school.. sitting arrangement.

Pinatabi nya ako sa isang madaldal na lalaki na nagngangalang

Kirk Ramos Juanatas


Hindi ko siya kinakausap.

Pero makulit siya..

"Hey what's your name?"

sabi nya sa akin..

Basta dinidedma ko lang talaga siya!

Pero nung tumagal na..
Naging magkaibigan na rin kami..

yung dating walang imikan, murahan to the max na.

Every grading period eh iniiba ang sitting arrangement namin..
2nd grading na
Pero ewan ko ba, siya na naman ang katabi ko!! 

Inaasar na nga nila kami.
Pero wala lang.

Anim kasi kaming magbabarkada,



Floyd, Ej, Genaro, June, Kirk at Ako.

(huwag na kayo magtaka, lalaki talaga mga katropa ko)
Parang F5 noh? ako si Sanchai! Haha Ambisyosa lang. :D
Hindi nakasama si Kirk nyan.

Ito naman si Kirk, inaasar ako kay Floyd na kesyo crush ko daw si Floyd.
Every may praktis kami o projects na gagawin ng weekends, pagdumarating ako,
"Uuuyyy Floyd andyan na siya"
ganyan siya eh!


Akbay dito, akbay doon.
Ganyan kami magbabarkada.
Walang malisya.

And one day, end of 2nd grading period..
Releasing of cards na.. Usually kasi Saturday nirerelease ang cards..
At dahil busy ang parents ko, ako nlng kumukuha ng grades ko.
Kaya hindi nila alam ng nakaka top 1 ako sa class.

Syempre andun din si Kirk, kinuha nya card ko, hinablut nya sa kamay ko..
Nagalit ako.

"Kirk! akin na yan!!"

Eh pang-asar talaga sya!

Kinurot nya ako ng malakas sa pisngi,
kunwari naman daw umiyak ako. haha

Pero nung lumapit siya sa akin para magsorry,
BUMAWI AKO, kinurot ko sya ng doble sa ginawa nya sa akin.

Nagkasugat tuloy siya. haha

Pero still, galit pa rin ako sakanya.

   Kinagabihan...

                Nagtext ang bestfriend ko, si Mary Ann.. sabi,

"Bestfriend, kinukuha ni Kirk ang number mo..Ibibigay ko ba?"

(Wala pa kasi akong personal cellphone noon kaya nakikitext lang ako kay mama)

Nagreply ako,
"Bakit naman daw? "

Reply ni bestfriend,
"Magsosorry ata sa ginawa nya sayo kanina"

Sagot ko naman,
"Sige ibigay mo lang.. "

And then few minutes ago, nagtext nga..
K: Hoy Sheryl, Kirk po 'to. Sorry na po kanina ha.
S: Hay naku! Ewan ko sa'yo.    
K: Sorry na, hindi ko po na uulitin.
S: Hehe. Sorry din. Nasugat ka tuloy dahil sa mahabang kuko na pinagkurot ko sa'yo.
K: Alam mo po ba na ang pinakaayaw ko ay masugatan ang mukha ko.
S: Huh? Talaga? Hala. Sorry talaga! Sorry na ha. Sige Kirk, wala na load tong fone ni mama. Goodnight.
K: Bakit hindi ka ba unli?
S: Huh? Ano? Hindi ko alam yang unli unli na yan.
K: hehehe Sige turuan kita bukas. Goodnight

Kinabukasan...

S: Uy sorry ha!
K: Ayos lang! ayan oh! ayan! (tinuturo ang sugat nya sa mukha)
S: Patingin nga! Sus ang liit naman! 
K: Kahit na!
S: Okay, sorry naman na kapatid! pero alam mo Kirk, crush kita! (sabay tawa, sanay talaga ako magsabi ng totoo eh.)


Ang dating kulitan namin na 'wala lang' ay nagbago. May chemistry na. Ayyyiii!!

At dumating ang Nov. 26, 2005.. 11:26pm..
May nagtext.. kasagsagan ng panonood ko ng Pinoy Big Brother.

K: Gising ka pa po ba?
S: Opo, bakit?
K: Hindi kasi ako makatulog, iniisip ko ang kakulitan ko sa'yo.
S: Ah! Namimiss mo agad ako na kulitin ha! Magaling na ba sugat mo?
K: Hindi pa po. Pero malapit na. Kumakati na nga. Virus ka talaga!
S: Hahaha. Walang katapusang sorry ba ito?
K: I LOVE YOU!
S: ano??? (Nakangiti)
K: Sige na! 
S: Okay.. sige. Mahal din naman kita.
K: TALAGA PO? Tayo na ha. Nov.26!
S: Opo! Sige. Matulog na tayo. Goodnight Kapatid! I Love you!
K: I LOVE YOU MORE KAPATID!

AYAN! Madali kung babasahin mo db? Pero dahil din siguro sa pinagsamahan namin na kulitan kaya napamahal kami sa isa't-isa...


Kuha ito nung Christmas Party namin. Kami na nyan syempre! :)

Nahalungkat ko lang yan. 

Cute isn't it?

Bata pa talaga eh. hehe

Sobrang lambing ng lalaking yan.
And he's always showing me that I'm the only person in the world that he Loves the most.

He was my first boyfriend, and I was he's first girl too. 

Kapatid, Hon, Babe, Baby..

Yan lahat ang tawagan namin..

Pero nacute-an sya sa naisip ko na tawagin syang

"Ging"
(short for Langging;
Langging- bisaya term for mahal o irog)





That was our prominade :)
Tangkad niya talaga eh..
Senior na kami that time..
He gave a piece of Rose :)

AT NAKAKAPANIBAGO BECAUSE DURING OUR JUNIOR PROM, HE GAVE ME DOZEN OF ROSES.. KAMI PA KASI NUN.
Si mama pa niya bumili ng roses.



Everyday nya akong hinahatid sa bahay,
And giving me a goodbye kiss.

At kapag nadadown ako, kahit sa harap ng madaming tao ay niyayakap niya ako.

And I am thanking him for everything,

that I was loved the way I want to be Love.

And that was PERFECT!

We are like talking through the phone 'til we fell asleep.

Nirerecord din namin ang mga usapan namin.

Kinabukasan, itong mga pakialamera ko namang girl friends, kukunin ang phone ko tapos pakikinggan nila ang sweet conversations namin. :)

Hmm.. gawain din namin ang kumanta pag break time,

"END OF THE ROAD"

Paborito nyang kantahin..

Frustrated singer si Kirk, actually kaming dalawa. haha

Yan ang palagi nyang kinakanta sa akin.
Okay na din. Kahit mali-mali ang lyrics nya. Natatawa nlng ako. :D



Hanggang nagThird year high, kami pa rin.
May tampuhan din naman paminsan-minsan..
And every birthday ng mama nya, aba, always present yata ako!

BRAZO DE MERCEDES, yan ang favorite cake ni Tita Agnes, mama nya.

We spent a lot of things TOGETHER.
Kami ata ang "LOVER OF THE YEAR"
sa batch namin, kaya kilalang-kilala kami sa Campus.
Astig diba?? :D



         
     And then Vacation came, pumunta ako sa Davao..

Wala kaming communication, sira ang cellphone niya.
Kaya hinayaan ko nlng din.
Pero naiinis na din ako kasi he's not finding way to communicate with me even a bit.

Syempre namimiss ko na din sya.

Kaya napapaisip ako kung miss ba nya ako!

Merong isang gabi, tumunog ang phone ko, may nagtext saying:

"Hi po!"

at ako naman:

"And who are you?"

"Ako po si Ken" sabi.

Pero alam ko na siya yun.
 "Ay naku Kirk, magtetext ka nga lang, lolokohin mo pa ako!"

Kirk: "Sorry babe, nakitext lang kasi ako sa tita ko.."

Me: Okay lang ging, pero sana naman gumawa ka ng paraan noh?
Hintayin mo nlng ako dyan.
*pero masama talaga loob ko sakanya sa nangyayari.

(parang Cool off)


Tinext ko nlng sya ulit nung nasa airport na ako pabalik ng Pangasinan.

Kinabukasan nun ay pasukan na..

Balik sa dati parang walang nangyaring cool off.

Lunch break:

S: Pwede ba Kirk? Ano ba? Parang walang nangyari ah! Dumistansya muna tayo sa isa't-isa okay?
K: Okay sige, namimiss lang kasi kita.
S: Ako din naman ah! Hindi naman mawawala yun.

    KINAGABIHAN PUMUNTA SIYA SA BAHAY, MADAMING DALA..

S: Kirk ano 'to!
K: Gift po.
S: Para saan?
K: Para sa bday mo, sa monthsary natin, sa valentines day..
S: *niyakap ko siya.* THANK YOU pero Paano?
K: Nagwork ako sa bahay nung wala ka. Tingnan mo itong kamay ko         oh. Binabayaran ako ni papa araw-araw. Inipon ko yun para pambili nyan.

S: Hindi mo naman kailangan bilhin lahat ng yan eh!! 

*Tapos ayun kwentuhan na but in the back of my mind, I want to give up.....
DON'T ASK ME WHY! I DON'T KNOW EITHER, OR MAYBE GANITO LANG TALAGA AKO. NAGSASAWA SA MATAGAL NA RELASYON. And I call it STUPID!

*Pagdating ng weekend I invited him to go out.

We went to the mall, nagsine, kumain, naglaro sa World of fun.

(but then I realized He don't deserve me, nasasaktan ko lang siya ng sobra-sobra sa ugali ko pa lang.)

Habang naglalaro siya napansin nya na malungkot ako..

K: Baby, bakit? May problema ka ba? Hindi ka naman ganyan kanina..

S: Hindi, wala.. maglaro ka lang dyan..
K: Hindi eh.. Merong mali sa'yo!
S: Wala nga!
K: Anong problema?? kilala kita!

*yumuko nlng ako sabay sabi

S: Kirk! kung kilala mo talaga ako hindi sana nangyayari sa atin 'to. *nagwalk out.. 
Hinabol niya ako..

K: Babe, please stop! 

Lumabas kami sa mall, magkahawak kamay pa rin.. pero umiiyak ako, hindi ko lang pinapahalata. Sumakay kami sa jeep... Nag-usap..

K: Tama na please.
S: Oo kirk, TAMA NA.
K: Bakit naman ganyan?
S: I think it's the right time.
K: Ito ba talaga gusto mo?
S: Hindi, pero ito ang dapat diba?
K: Usige, pagbibigyan kita. Pero Sheryl, MAHAL KITA HA. IKAW LANG. Hindi magbabago. Magkikita pa rin naman tayo araw-araw. Hindi nga lang kita kukulitin palagi ha.. Pero ihahatid pa rin kita. 

*umiyak nlng ako.. wala akong masabi sakanya.

Dumaan ang ilang buwan, hindi na okay.. Nagbago lahat. Siguro ginawa niya magbago dahil hindi niya kaya na magkaibigan nlng kami.
Kung sinu-sino ang nililigawan niya.. nakakarating sa mga teachers namin kaya ako ang tinatanong nila pero tumatahimik lang ako hinahayaan ko na ang mga classmates ko ang sumagot.

Ma'am: Sheryl oh, si Kirk ang ingay, pagsabihan mo nga.
Classmates: Ay naku ma'am, break na sila!
Ma'am: Bakit? ANo nangyari?

Hanggang naging trending na sa campus ang break-up namin..... 

But there was my favorite teacher, she's our English teacher that believes in our relationship. 

Sabi niya sa amin in front of the whole class.... boyish kasi yun na teacher..

"KIRK! SHERYL! KAYO HA! Kung pwede pa ayusin, ayusin nyo na!"

But we took it for granted.




Yan!
Masaya pa kami nyan.. T.T

Sobrang namimiss ko na siya..
Pero ganun ata talaga.

May umaalis, may dumadating..

Kailangan mo lang maghintay..

I was loved by the him.. SOBRA..

The best thing is, we're still friends.

Matagal din kaming hindi nag-imikan..

Kahit simpleng ngiti lang..

Kasi siguro masakit pa noon....



Love matters most :)


Minahal kita Kirk :)

Pero hanggang doon nlng yun..

"Babe, kung tayo talaga, TAYO talaga.. Wag ka na umiyak ha."

Yan ang huling kataga na nakarinig ko sakanya nung araw na nag break kami.. T.T



ha'aay..

There's always a place for you here in my heart, babe..




T.T

"No matter how serious life gets,
you still gotta have that one person
you can be completely with."