Bakit nga ba SANBAGWIS?
'SANg BAGong?
Hindi ko na maalala kung ano talaga ang kahulugan nyan.
Class name namin yan. At hindi mawawala sa isip ko
na sinabi ng isa sa sir namin nung orientation:
" You should address your classmate 'mate', 'ma-te' , or 'bok' ."
Ginagamit namin lahat yan.
Ganyan talaga sa military eh.
pero, by the way. . .
Magkakilala na kami simula nung unang taon
pa lang namin sa kolehiyo.
Yung pinsan ko kasi, nadamay lang ako
kaya nakapagROTC ako.
Si Elaine Abarca. Si Bok.
Hindi naman talaga kami close nyan...
pero nung lumipat sila dito sa Pangasinan na tumagal
ng isang taon, sobrang napamahal na kami sa isa't-isa.
Pinagbigyan ko sya na mag-officer kami.
Usapan namin, manlilibre ng Jollibee kung sino man sa amin ang
MAGQU-QUIT!
Eh walang nagquit kahit mahirap, TAKOT MANLIBRE eh! :D
pero isang taon lang tinagal nya dito,
kailangan na nila bumalik sa Davao, dun na sya mag-aaral.
Binigay ko lahat ng quality time ko sakanya bago sya umalis.
Sobrang iniyak ko ng bongga ang pag-iwan nya sa akin.
Araw-araw, sa klase bigla na lang akong napapaluha,
tuwing lunch, hindi ko napapansin ang pagkain ko,
iniiyak ko na lang kasi nga aalis na sya!
Sabi ko sa kanya,
" bok, akala ko ba
NEVER Q
NEVER U
NEVER I
NEVER T
NEVER QUIT? "
Hmm, hindi ko na lang sya hinatid nung araw ng alis nya. Smile nlng :)
(Nasama ka bok, kahit hindi ka lalaki.
Gwapo ka naman kaya oks lang!)
:)
Ito pa kami oh. . .
Mahal na mahal ako ng mga yan,
pero mas Love na Love ko siLa! :)
Hindi naman kami ganun ka-close dati,
ayaw ko kasing makihalubilo sa kanila.
At higit sa lahat, ayoko na dinidektahan ako sa kung ano ang
gusto ko.
Madaming bawal:
Bawal maghikaw
Bawal magbracelet
Bawal magmake-up
Bawal magtsinelas
Bawal umabsent
At marami ding Dapat:
Dapat nakatuck-in
Dapat rubber shoes
Dapat black or blue jeans
Dapat T-shirt
Dapat nakapony tail palagi ang buhok
Dapat palaging nagrereport sa opisina
Many to mention o hindi ko lang talaga maalala? :D
Kapag nakikita nila ako sa campus,
'mate, magreport ka daw!'
Sagot ko naman, 'Oo, magrereport ako'
pero uuwi na pala.
Palagi kaming hinahanap ng mga upper class namin,
"yung mag-pinsan asan na?"
Hehe
Pasaway talaga oh oh!
Pero nung kinalaunan, nasanay na rin ako.
Proper din! hehe
Training dito, Training doon.
Kaya nga ang itim namin dati.
Mga mukhang bakulaw! haha
Pero, wag ka! Matatalino, GWAPO at MAGAGANDA!
(Pumuti na kami ngayon eh!)
Lahat ng hirap, pagod, at puyat napagdaanan na namin,
sa pagsusuot pa lang ng combat boots...
Mabigat yan, akalain nyo.
Dahil naman dun, nagkaroon kami ng UNITY.
Lalo na sa kalokohan..
KALOKOHAN. . . .
Rhubert ang pangalan niya,
pero kung titingnan mo ang mga kuha nyang yan,
bagay talaga ang palayaw nya na BEBOT di ba?
Pasingit Lang :)
Eepal lang!
Actually, madami syang wacky na pictures
Para kasing pagnagpapapicture sya eh wagas!
Wacky lahat! hehe
Siya ang pinakakwela sa batch namin,
sobrang kulit at nakakatawa.
Masarap magluto.
Magaling maglinis.
(Man of the House? hehe)
Siya din ang pinakatalentado,
marunong kumanta,
sumayaw, magpiano.
Matalino rin.
Mabilis mag-isip ng solusyon sa problema.
(hoy bebot malamang hinahanap mo ang katagang "gwapo" dyan! Asa ka! eheh)
hmm, but behind those jokes and smiles nya,
marami syang problema lalo na sa pamilya.
Buti nakakaya nya pa nga magpatawa.
Nakakabilib lang talaga!
C/Col Aldrin M Uson, 1Cl
Corps Commander
Yan ang designation nya.
Pinakamataas sa amin.
Pangalawa si bot.
Hindi naman sya mapupunta sa pwesto nya kung hindi sya magaling db?
No doubt yan.
Hay naku!
Maalaga siya sa aming mga kamate nya,
at sa mga subordinates.
Mabait.
Marunong makinig at tumanggap ng opinyon ng iba.
Tahimik.
(Pag seryoso ang iniisip nya)
Nakz naman oh!
Maingay.
(Sa opisina, kanta ng kanta haha)
Pero okay na din, gusto ko naman mga choice of songs nya. :)
Makulit din.
(He's making sure na okay na ang lahat.
"mate ung ganito, mate ung ganyan") hehe
Ay naku, kaBuddy nya si bebot,
kaya hindi nagkakalayo ang ugali nila
pagdating sa kalokohan!
Sisingit Lang ulit :))
hmm.. Mapagmahal din,
mahilig sya sa ech-ar-rem (HRM)
eh paano puro HRM ang course ng
mga ex nya. :D
(Bakit walang gwapo? o pogi man lang?
sabi mo siguro mate noh?)
hahaha. HUWAG NA.
Hep hep! Ang iyong mga punch line:
1. "Maynigs, ung plas drive!"
2. "Sino nagpust nyan? "
oh ha!! :D
Jaaaaarrraaannngg!!!
Lalaki yan, napagtripan lang yan picture na yan.
Siya si Mel-Erwin dela Cruz.
Tahimik na tao yan.
Matalino.
Kakaiba mag-isip,
kaya hindi namin nagegets pag minsan. hehe
Sa kalokohan, dyan talaga kami magaling eh.
Kaya nagkakaintindihan kaming lahat.
Meron pa, pag si Mel na ang kumanta, napapatigil kami.
hehehe
Kakaiba kasi eh!
Langya! Ang hilig manakot!
Takot din pala kasi sya sa multo! Number 1!
Siya daw si Jake Cuenca
"Riemann B Balancio at your service! "
Yan ang snappy kong mate!
Siya ay may kakaibang mundo,
kakaiba mag-isip! Pambihira! 1 out of 1,000.
Ganyan siya ka-Unique!
Ito pa, may sarili syang diksyonaryo.
"Balancionary"
ika nga namin..
Ito pasample:
1. "Bakit ba ang dami nyong commi(t)ments?"
(comments)
2. "Ipainit nyo sa hotter."
(sa termos dapat yun) hahaha
3. "Oh may kukuha daw ng hang outs."
(May isang kadete kasi na kulang ang hand-outs at kumukuha ng kopya sa dast)
4."Mene, opp mo kuno may kien mo..."
(Hindi ko rin maintindihan)
5. "PITAGURI"
(Hindi ko din alam kung ano ang ibig sabihin nya, sa manok daw yun eh, sabi nya.)
At madami pa.
Gustong-gusto ko sya kausap,
kasi pagnagkukwentuhan kami, seryoso na nakakatawa...
Ewan kung 'yong kwento ba ang nakakatawa o sya na nagkukwento.
May sense sya kausap...
Yung tipong tatatak talaga sa isip mo eh..
Ganun sya. :)
Hindi ko po yan boypren ah!! :)
Birthday nya nung araw na yan..
Malambing kasi talaga ako sakanila..
kaya palaging pinagseselosan ng mga gi-ep nila.
haha
May mga hanep na banat din tong mate ko na 'to eh!
ito:
1. "Bumili kami ng 1packs na candy sa Watson."
(With 's' talaga ang 1packs noh? haha
hindi naman talaga candy yun, iniba ko lang. haha
Masilan kasi. :D )
2. "Late na naman ako, hindi kasi nag-alarm ang Alarms Clock ko!"
(sobrang dami ng alarms clock nya db? hehehe)
3. "Mate water ba yung mineral?"
(ganyan lang talaga sya magtanong,
kaya sagutin nalng natin...)
Ang certified macho ng batch namin! Mabuhay!!
Tinatawag ko sya dati na "Mate Menetet" hehe
Siya kasi si Alvin Meneses..
Loko lang talaga ako. Haha
Palagi ko itong kinukulit,
pero hindi sya napipikon sa akin...
Ang tigas eh!
Palagi akong nililibre nito!
Oh, nagpaparinig ako ha! :D
Eh matipid lang kasi talaga ito.
Saka madali syang lapitan,
Nagpapautang kasi. :)
At busog kami pag kaarawan niya!!!
Bongga!
Medyo inaantok na din ako ngayon.
Ganito na lang...
SILA ANG MGA MACHO GWAPITO na mga mate ko.
NAKAKAPAGTAKA MAN.
Eh sabi nila yan eh!
haha
Ang tumayong pangalawang Ama namin:
Si sir Mallari...
or Sir Tolitz :)
At ito naman si sir Manuel..
Sila ang aming mga dakilang MTI. . .
Mahal ko din sila.
Mga Taga-payo.
No comments:
Post a Comment