Saturday, November 5, 2011

Coffee



Coffee...

I just want you to know that,

I'm always craving for you.

Hot or cold.
Strong or sweet.


Ganito kasi yun.....

Lumaki ako sa lolo't lola ko,
Sila na nagpalaki sa akin sa kadahilanang
kailangan ng magulang ko na maghanapbuhay sa malayo.

Kung ano man ako ngayon,
dahil sakanila.

(Napapalayo na sa topic..)


Sa amin kasi,
paggising ko sa umaga handa na ang lahat.

Gigisingin nalang nila ako para magbreakfast...


at syempre, hindi mawawala ang kape dyan!


Kung hindi si lolo ang nagtitimpla,
eh walang iba kundi si lola.

Ganyan nila ako kaLove.
hehe.


Kung hindi nila ako ipagtitimpla,

kung kape nila ang kawawa! :D


Kaya nahilig ako sa kape..


"Pilipinas"

Yan ang brand ng kapeng barako
na kinalakihan ko na sa Mindanao lang available.

Naghahanap nga ako dito sa Luzon,
pero waley talaga!

Pati nga si Google eh kahit larawan waley din!


Magpapakulo muna ng tubig,
saka ilalagay ang kapeng Pilipinas.

Hahaluin,then hahayaan muna na kumulo pa.


Sobrang bango ng kapeng yan,
matapang, sobrang sarap!



Naaalala ko nga,
Kahit ang layo ng lalakarin
sumasama lang ako kina lola sa novena sa lamay para makapagTong-its, Mahjong, ungguy-unggoyan at MAKAPAGKAPE.
Haha. 

Pero natutuwa naman sila sa kakwelahan ko eh.


Ganun ako kadespirada,
makapagkape lang.

Ang babaw no!

:D


Ngayong malaki na ako,
namimiss ko yung mga ginagawa ko dati nung kabataan.

Iba pala talaga maging bata,
masaya, walang iniisip na problema..

Ngayon kasi,
pag may problema ako dinadaan ko nalang sa KAPE.

Atleast, narerelieve ako.








(Ang pangit ko naman! haha
pasensya!)


Binitin ako ng frappe na yan eh! >.<




at sobra naman akong nasatisfied sa Iced Latte na yan. :)

Strong kasi.

Yung iba.

Wala akong picture eh. Hihi



I Love Coffee.

NakakaAdik nga talaga.

Mahirap iwasan.

Kaya sana palaging may manlibre!

c:


Meron pa, kuha lang 'to kanina nung nagkape ako  bago humarap dito sa laptop..




I really like the tagline,

"Naughty but Nice"








                 


No comments:

Post a Comment